Inspiring: Dating Tindero ng kendi’t tinapay, Multi-Milyonaryo na nNayon


Rags to riches. Ganito maisasalarawan ang buhay ni Manny Valencia na napagtagumpayan ang mga pinagdaanang hamon sa buhay hanggang maabot ang karangyaang ni sa hinagap ay hindi niya inakala.

Isang kahig, isang tuka lang umano ang buhay ng pamilya noon nila Manny. Sa panayam na ibinigay niya sa programang “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” sa GMA News TV, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang marangyang buhay na tinatamasa ng pamilya niya ngayon.

Ang pagiging lulong daw sa sugal ng kanyang ama ang dahilan ng kanilang sobrang kahirapan at dahil doon ay nagkahiwa-hiwalay silang pitong magkakapatid. Si Manny ay pinaalagaan sa isang tiyahin.

Tumulong siya sa kanyang tiyahin na siyang nagpaaral sa kanya. Matapos ang high school, nagbanat na ng buto si Manny sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kendi at tinapay. Noong panahong iyon, may nakuha siyang recipe ng longganisa na nagpabago sa takbo ng buhay niya.

Nakilala niya rin noong panahong iyon ang magiging kabiyak niya na si Virgie. Kuwento ni Manny, pitong taon bago niya nasungkit ang matamis na “oo” ni Virgie. Ang dalawang libong piso na regalo sa kanilang kasal ang ginamit nilang mag-asawa upang masimulan ang longganisa business.

Aminado si Manny na noong una ay hindi masarap ang kanilang produkto. Halos hindi raw iyon makain, pero dahil sa tiyaga ay nakuha rin nila ang perpektong timpla.

Lumago ang negosyo ng mag-asawa na tinawag nilang “Joshua’s Meat Products.”

Ang kuwento ng buhay ni Manny Valencia ay mapapanood sa “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” sa Lunes ng 10:15 ng gabi, ika-19 ng Disyembre, sa GMA News TV.

Source :GMA Network



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of this website. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.



Loading...
loading...